What is 3 card poker? How to play 3 card Poker at Bit777

Ang 3 Card Poker ay unang naimbento sa bansang England noong 1994 at tuluyan ng pinahintulutan gawin sa taong 1997 ni Derek Webb. Ang orihinal na tawag sa larong ito ay Casino Brag at kilala rin sa pangalang Tri Poker. Ang pangalang 3 Card Poker ay mas sumikat nang ito ay ipinakilala sa America.

Ito ay nilalaro gamit ang tatlong baraha sa halip na limang baraha. Kung saan ang mga manlalaro ay tumataya laban sa dealer sa normal na istilo ng poker. Layunin nito na makapagbigay ng mabilis at nakakalibang na laro para mas lalong maakit ang mga manlalaro.Sumali sa Bit777- Tongits Casino Online Tingnan ito ngayon

Ano ang 3 Card Poker?

Ito ay isang kapana-panabik at kakaibang Poker Game na ginagamitan ng standard 52-Card Deck na maaaring laruin ng 7 manlalaro. Ang larong ito ay may iisang layunin lamang. Ang magkaroon ng mas mataas na halaga ng hawak na baraha kaysa sa dealer. Dito, sa halip na “players vs players”, ang mangyayari ay “players vs dealer”.

Mayroon kang tatlong opsyon para tumaya sa 3 Card Poker.
Mayroon kang tatlong opsyon para tumaya sa 3 Card Poker.

Bago umpisahang subukan, mahalagang alamin at pag-aralan ang mga tuntunin upang maging isang epektibong manlalaro. Ito ay may sinusunod na hand-card rankings. Ito ang magiging basehan o ranking system ng card combination na hawak ng isang manlalaro o dealer. Mayroon itong tatlong sistema ng pagtataya:

  1. Tumaya laban sa dealer (Ante at Play).
  2. Tumaya sa halaga ng barahang hawak (Pair Plus).
  3. Tumaya laban sa dealer at halaga ng barahang hawak (Ante, Pair Plus, at Play).

Ang 3 Card Poker ay nag-aalok ng masaya at mabilis na sistema ng larong baraha. Kaya naman marami ang nabibighani sa aliw na hatid nito para sa mga manlalaro. Para matuto at malaman ang buong mekaniks, samahan kami at basahin ang artikulong ito hanggang dulo!

Mga tuntunin ng laro

Narito ang detalyadong tuntunin na kailangan mong malaman. Ihanda na ang sarili at umpisahan ng aralin ang mga tuntuni.

  •  Mayroong tatlong pagpipilian sa pagtaya. Kabilang dito ang Ante, Play, at Pair Plus.
  • Ang Ante ay ang unang taya na inilalagay bago ibahagi ang mga baraha sa mga manlalaro at dealer.
  • Pagkatapos makita ang barahang hawak, maaari kang maglagay ng karagdagang taya na katumbas ng paunang halaga ng taya. Ito ay kilala bilang Play. Upang maglagay ng taya kailangan mong panatilihing nakataob ang iyong mga baraha. Ang taya ay ilalagay sa ibabaw ng mesa na may label na Play.
  • Ang Pair Plus ay isang opsyonal na taya na maaaring ilagay sa tabi ng ante bago ibigay ang mga baraha. Ang taya na ito ay hindi nilalaro laban sa ibang manlalaro o dealer. Ito ay isang taya na mananalo ka lamang kung mayroong isang pares o mas mahusay ang iyong unang tatlong baraha.
  • Kung sa tingin mo ay hindi ka maipapanalo ng iyong hawak na baraha, maaari kang tumiklop at umalis sa laro. Mawawala ang iyong paunang taya (Ante) at kasama ang Pair Plus na tinaya kapag tumiklop ka.
  • Kapag nakapagdesisyon na ang lahat ng manlalaro sa kanilang mga galaw, bubuksan ng dealer ang kanyang mga baraha.
  • Kung ang iyong hawak na baraha ay mas mahusay kaysa sa dealer, ikaw ay mananalo at makakatanggap ng bayad batay sa payout structure. Gayunpaman, kapag mas mataas o mahusay naman ang baraha ng dealer, kukunin nito ang lahat ng taya.
  • Ang dealer ay dapat magkaroon ng pinakamababang Queen High para mabayaran ang taya ng nanalong manlalaro. Kung ang dealer ay walang Queen High, ang Ante lang ang mababayaran.
  • Ang pababang pagkakasunud-sunod kung saan niraranggo ang mga kumbinasyon ng baraha sa 3 card poker:
  1. Mini Royale
  2. Straight Flush
  3. Three of a Kind
  4. Straight
  5. Flush
  6. Pair
  7. High Card
Tandaan ang mga kumbinasyon ng baraha at ang hand card rankings sa 3 Card Poker.
Tandaan ang mga kumbinasyon ng baraha at ang hand card rankings sa 3 Card Poker.

Tandaan ang mga kumbinasyon ng baraha at ang hand card rankings sa 3 Card Poker.

Mga hakbang kung paano laruin ang 3 Card Poker

Narito ang simpleng mekaniks how to play 3 card poker. Sundin lamang ito, tiyak na magiging isang beteranong manlalaro ka sa ilang subok lamang!

  1. Sisimulan ang larong 3 card poker sa pamamagitan ng paglalagay ng paunang taya o Ante gamit ang mga chips.
  2. Pagkatapos ay ibabahagi na ang mga baraha sa mga manlalaro at ng dealer.
  3. Kapag hawak na ang mga baraha ay maaari ka ng magsimula magdesisyon. Maaari mong piliing magpatuloy sa paglalaro sa pamamagitan ng pagtataya muli o Play.
  4. Maaari mo rin piliin ang tiklop at iwanan ang laro sa puntong ito.
  5. Panghuli, ipapakita na ng dealer ang kanyang mga baraha. Kung ang iyong kamay ay mas mahusay o mataas kaysa sa dealer mananalo ka.

Mga panuntunan ng mga deck sa larong 3 Card Poker

Ang halaga ng kumbinasyon ng barahang hawak ay dipende sa ranggo nito. Kaya, 3 card poker how to play? Pag-aralan lamang ang pagkakasunod-sunod o ranggo ng mga baraha upang maging maalam sa paglalaro nito. Tandaan na ang panalong makukuha sa 3 card poker ay nag-iiba. Dipende ito sa payout structure at mga bonus na nakatalaga sa ranggo na iyon.

Magsaya sa inyong mga tahanan habang nilalar ang 3 Card Poker ng Bit777!
Magsaya sa inyong mga tahanan habang nilalar ang 3 Card Poker ng Bit777!

Mini Royale/Royal Flush

ang pinakamataas na ranggo na kumbinasyon sa larong ito. Binubuo ito ng Ace, King, at Queen na may parehong suit. Ang payout sa panalo sa isang Mini Royale ay parehas sa Ante at Play na taya.

Straight Flush

Ito ay kapag nagkaroon ka ng tatlong baraha ng parehong suit sa isang sequence. Ang payout sa panalong may Straight Flush ay parehas sa Play at Ante.

Three-of-a-Kind 

Kapag ang iyong baraha ay naglalaman ng tatlong baraha na may parehong halaga. Ang payout sa panalong Three of a Kind ay parehas sa Play at Ante.

Straight 

Ito naman ay tatlong baraha ng anumang suit na magkakasunod-sunod. Ang payout sa panalong Straight ay parehas sa Play at Ante na may karagdagang Ante Bonus na katumbas ng iyong Ante bet.

Para sa isang Straight, ang isang alas ay maaaring mataas o mababa ang halaga. Halimbawa, ang pinakamataas na value na straight ay isang kumbinasyon ng Ace, King, at Queen habang ang pinakamababang value na straight ay naglalaman ng Ace, Two, at Three.

Flush

Tatlong baraha ng parehong suit ngunit hindi sa magkakasunud-sunod. Ang payout sa panalong may flush ay parehas sa Play at Ante.

Pair 

Dalawang card na may parehong halaga. Ang payout sa panalong Pair ay parehas sa Play at Ante.

High Card

Ito ang pinakamababa sa ranggo. Kapag mayroon kang tatlong hindi magkatugmang baraha. Ang baraha na may pinakamataas na halaga ay tinatawag na High Card. Ang payout sa panalong High Card ay parehas sa Play at Ante.

Paano makalkula ang puntos sa larong 3 Card Poker

Isa sa mga dapat mong matutunan sa how to play 3-card poker ay kung paano kalkulahin ang puntos. Sa gayon, malaman mo ang susunod na gagawin sa paglalaro.

Ante Bonus Payout

Kung ang isang manlalaro ay naglagay ng ANTE BET at isang PLAY BET, ang manlalaro ay babayaran ng ANTE BONUS. Kung ang hawak ng manlalaro ay binubuo ng mga sumusunod na nakalista sa ibaba. Kahit na ang hawak na baraha ng dealer ay matalo iyong hawak na baraha.

Hand ValueBonus Payout
Straight Flush1:5
Three-of-a-Kind1:4
Straight1:1

 

Pair Plus Bonus Payout

Ang Pair Plus Bet ay isang opsyonal na bonus side bet na nagbibigay-daan sa mga manlalaro na tumaya sa halaga ng baraha na ibibigay sa kanila. Kung ang kanilang hawak na baraha ay naglalaman ng isang pares na mas mahusay ay mananalo sila. Ang isang PAIR PLUS na taya ay hindi naglalaro laban sa mga baraha ng Dealer. Ang mga payout para sa Pair Plus Wager ay ang mga sumusunod:

Hand ValueBonus Payout
Straight Flush1:40
Three-of-a-Kind1:25
Straight1:5
Flush1:4
Pair1:1

 

Six Card Bonus

Sa 3 Card Poker, ang mga manlalaro ay may opsyon na gumawa ng Six Card Bonus Bet bago magbigay ng mga baraha. Upang maglagay ng Six Card Bonus Bet, ang manlalaro ay dapat nakapagtaya ng Ante at Pair Plus.

Ang bawat manlalaro ay inaasahang gagamit ng alinman sa anim na baraha na iyon, anuman ang bilang ng mga baraha na ginamit mula sa kanila o sa dealer. Ang Six Card Bonus ay mananalo lamang kung ang 3 baraha ng manlalaro na pinagsama sa tatlong baraha ng dealer ay naglalaman ng Three-of-a-Kind o mas higit pa.

Hand ValueBonus Payout
Royal Flush1:1000
Straight Flush1:200
Four-of-a-Kind1:50
Full House1:25
Flush1:20
Straight1:10
Three-of-a-Kind1:5

 

3 Card Poker tips mula sa mga nangungunang manlalaro

Ang pinakamainam na diskarte sa paglalaro ng 3 Card Poker ay nakatuon sa pag-alam kung kailan magtataas o magtitiklop sa iba’t ibang kumbinasyon ng barahang hawak.

Magtaas ng taya kung may Q/6/4 o higit pa

Ang diskarte sa paglalaro ng 3 Card Poker ay napakasimple lamang. Itaas ang taya kung ang hawak mo ay isang Queen, 6 at 4 o mas mataas pa. Kung hindi, mas mainam na tumiklop ka. Huwag tataya sa Play kapag mayroon kang baraha na mas mababa kaysa sa Queen-Six-Four. Sundin lamang ang dalawang diskarte na ito sa 3 card poker:

  1. Ilaban ang anumang baraha na mas mataas kaysa sa Queen-Six-Four.
  2. Itupi ang anumang baraha mas mababa sa Queen-Six-Four.

Konklusyon

Ang 3 Card Poker online ay isa sa mga nauusong larong baraha sa panahon. Lalo na at karamihan sa mga manlalaro ay mas gustong manatili sa kanilang mga tahanan. Mahalagang pag-aralan ang mekaniks at panuntunan ng laro upang maging isang epektibong manlalaro. Kaya tara na at subukin ang swerte sa paglalaro ng 3 Card Poker!

Categories