Instructions on how to play Lucky 89 at Bit777 to win at Bit777

Sabik ka na bang matuto at malaman kung paano laruin ang Lucky 89? Kung oo, pwes maghanda na. Sabay-sabay natin tuklasin at alamin ang bawat feature ng larong ito. Gagabayan ka namin hanggang sa makabisado mo ang mga patakaran at ang tamang timpla ng paglalaro nito. Paalala lamang na ang larong ito ay tunay na nakakahumaling. Alam mo kung bakit? Yan ay aming sasagutin sa artikulong ito. Kaya manatili lamang sa pagbabasa para maging ganap na epektibong manlalaro sa Lucky 89. 

Ano ang larong lucky 89?

Ang Lucky 89 ay isang mabilis na larong baraha kung saan maaaliw ka dahil madali lang ang mekaniks nito. Ito ay maihahalintulad sa larong Lucky 9 pero dinagdagan pa ng mga bagong twist kaya mas lalong masaya. Ito ay binubuo ng standard deck na may 52 na baraha at maaaring laruin ng hanggang 7 manlalaro. Tandaan na ang tanging layunin para manalo ay matalo ang dealer. Unlimited round ang naghihintay sa iyo rito kaya tiyak na malaki ang pagkakataon mong manalo nang maraming beses. Napakadali din para sa mga baguhang manlalaro na matutunan kung paano laruin ito. Kung gusto mong matuto ng mga bagong bagay habang kumikita, ang larong ito ang magiging pinakamahusay mong pagpipilian.

Mga patakaran na dapat sundin sa larong Lucky 89 ng Bit777-Tongits Pusoy

The rules of the game lucky 89 at bit777
The rules of the game lucky 89 at bit777

Ang patakaran ng isang laro ang lagi dapat inuuna kapag hindi ka pa pamilyar sa laro. Kaya naman narito kami upang ibahagi ang mga ito sa madali at simpleng paraan upang agad mo ng masimulan ang nakakaaliw na larong Lucky 89.

Sa katunayan, madali lamang ang patakaran ng laro na natitiyak namin na mabilis mo lamang makakabisado sa ilang subok mo lamang. Hindi rin kinakailangan maging beteranong manlalaro. Ang mahalaga ay alam mo ang mekaniks at konseptong sinusunod ng laro. Kaya narito na ang detalyadong patakaran na dapat mong sundin:

  1. Ang larong Lucky 89 ay gumagamit ng standard deck na may 52 na baraha.
  2. Maaari itong laruin ng hanggang 7 manlalaro.
  3. Ang layunin ng laro matalo ng maraming beses ang dealer upang mag-uwi ng maraming pera.
  4. Matatalo mo lamang ang dealer sa apat paraan na ito: (1) makakuha ng mas mataas na puntos ng baraha kaysa sa dealer (2) Magkaroon ng Lucky 9 na baraha (3) Posibleng matalo mo ito sa pamamagitan ng Lucky 8 (4) Mayroon kang hawak na mataas na hand card ranking.
  5. Ang dealer ang mamahagi ng mga baraha sa mga manlalaro at mayroon ka lamang dalawang opsyon na maaaring gawin. Humirit at wag bumunot.
  6. Kapag ang dealer ay nakakuha ng Lucky 9 o Lucky 8 sa unang dalawang baraha ay hindi na maaaring humirit ang mga manalalaro. Kung ano ang puntos na mayroon ka ay yun na ang puntos na idedeklara mo sa dealer.
  7. Kahit na Lucky 8 ang iyong baraha pero Lucky 9 ang dealer ay talo ka pa rin. Pero kung Lucky 9 ka at Lucky 8 ang dealer o mas mababa pa, panalo ka sa round na iyon.
  8. Magiging draw lamang ang laban kapag parahes kayo ng puntos ng dealer.
  9. Ang laro ay may sinusunod rin na hand card rankings.
  10.  Ang laro ay magpapatuloy sa ganitong paraan. Sundin lamang ang lahat ng ito at tiyak na matututunan mo ito agad.

Ang pagkakasunod-sunod ng hand card rankings sa larong Lucky 89

The order of cards in the game Lucky 89 that you need to know at Bit777
The order of cards in the game Lucky 89 that you need to know at Bit777

Ang hand card rankings ay isa sa importanteng bagay na dapat mong malaman. Isa rin ito sa basehan ngpointing system ng mga baraha sa Lucy 89. Hindi mo man ito makabisado agad, matututunan mo na lamang ito sa pamamagitan ng tagal ng karanasan sa paglalaro nito. Kaya, ibabahagi na namin ang tamang pagkakasunod-sunod ng hand card rankings:

1. Lucky 89

Dalawang baraha na may 8 o 9 na puntos.

Halimbawa:   K9, 5 4

K8, 5 3

2. Three of a kind

Tatlong baraha na may parehong halaga.

Halimbawa: A A A

3. Face Cards

Tatlong baraha na may Jack, Queen, o King. (except Three of a kind)

Halimbawa:   K Q J

K K J

4. Straight Flush

Tatlong barahang sunod-sunod ang ayos at parehong suit.

Halimbawa: 10 9 8

5. High Cards

Ang puntos ay nakadipende sa pinakamataas na barahang mayroon ka.

  Halimbawa: K J 10

Paano ang pagbilang ng mga puntos ng baraha sa Lucky 89

How to calculate card points in Lucky 89 is the simplest and easiest to understand
How to calculate card points in Lucky 89 is the simplest and easiest to understand

Sa Lucky 89 importanteng alam mo kung paano bilangin ang puntos ng iyong baraha. Huwag mag-alala, addition lamang ang gamit nitong mathematical operation. Diba’t madali lamang? Ngayon, alamin na natin paano ito ginagawa sa laro.

Tandaan:

  • 10, Jack, Queen, King = 0 puntos.
  • 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9 = 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9 (Parehong halaga na mayroon ito)
  • Ace = 1 puntos.

Subukan naman natin gamitin sa laro. Halimbawa ng dalawang posibleng baraha na makukuha mo:

Hal.1 King + 7 = 7 puntos

Hal.2 10 + 6 = 6 puntos

Hal.3 Ace + 4 = 5 puntos

Hal.4 King + Jack = 0 puntos

May mga pagkakataong mababa ang puntos na makukuha mo. Maaari kang humirit ng isang baraha.

Hal.1 King + 7 + 3 = 0 puntos

Hal.2 10 + 6 + 8 = 4 puntos

Hal.3 Ace + 4 + 2 = 7 puntos

Hal.4 King + Jack + 5 = 5 puntos

Kung mapapansin ang mga halimbawa na ito, makikitang may “risk” sa paggamit ng hirit o paghingi ng pangatlong baraha. Dahil may tyansang mabokya o maging 0 puntos ang iyong hawak na baraha (Hal.1). May mga pagkakataon rin na maaari nitong mapababa ang iyong puntos (Hal.2). Kaya maging matalino pagdating sa pagdedesisyon. Tingnan mabuti kung saan ka mas may lamang laban sa dealer.

Ilang pangunahing paraan upang ayusin ang mga baraha sa Lucky 89

How to arrange basic cards at Bit777
How to arrange basic cards at Bit777

Kapag ang dealer ay hindi lucky 9 sa unang dalawang baraha, lahat ng manlalalro ay may pagkakataong humirit ng isang baraha. Isang beses mo lamang ito magagawa. Kapag ang nakuha mong baraha ay nasa 5 puntos pataas mas magandang huwag ka ng humirit pa. Mas mainam maging “Play Safe” kaysa pilitin pataasin ang punto. Dahil may tyansa pa rin na bumaba ang puntos na makuha mo dahil sa paghirit.

O kung sa tingin mo ay maaari kang makabuo ng isa sa mga hand card maaari mong subukan ang swerte mo sa paghirit. Halimbawa nakakuha ka ng 8 9, kung maswerte mong makuha ang 7 o 10  ay maaari kang makabuo straight flush. Paalala lamang na ang pagbuo ng mga hand card ay may malaking risk. Pero isa rin ito sa paraan upang matalo ang high card o lower hand card ng dealer. 

Mga ilang exception sa larong lucky 89

Ang pangunahing exception sa paglalaro nito ay maaari itong laruin kahit walang tayaang magaganap. Madalas ay nilalaro lamang ito upang maging katuwaan at libangan. Epektibong pampalipas oras ito ng ilan sa mga manlalaro dahil mabilis lamang ang bawat round nito. Nagiging pormal itong laruin kapag pumunta at naglaro ka mismo nito sa mga casino. Ngunit dahil sa Bit777, maaari ka ng mawili sa paglalaro nito kahit nasa tahanan ka lamang, maaalok mo pa ang iyong mga kaibigan, pamilya, o mga kakilala.

Mga tagubilin kung paano laruin ang Lucky 89 sa Bit777

Instructions on how to play Lucky 89 will definitely win
Instructions on how to play Lucky 89 will definitely win
  1. Una ay i-download ang Bit777.app mula sa official website nito.
  2. Paalala lamang na ang larong ito ay Lucky 89 online. Kaya kailangan mayroon kang maayos na koneksyon sa internet upang tuloy-tuloy ang paglalaro.
  3. Siguraduhin na mayroon kang chips dahil ito ang in-game currency ng laro.
  4. Ang beting range sa larong Lucky 89 ay mula 10 hanggang 5 milyong chips.
  5. Ito ay maaaring laruin ng hanggang pitong manlalaro. Lahat ng manlalaro ay may iisang layunin, ang talunin ang nag-iisang delear laro.
  6. Uumpisahan ng dealer balasahin ang mga baraha at kolektahin ang mga taya bago nito ibahagi ang mga baraha sa mga manlalaro.
  7. May dalawa lamang na opsyon ang mga manlalaro: humirit at wag humirit.
  8. Apat na paraan upang matalo ang dealer: (1) makakuha ng mas mataas na puntos ng baraha kaysa sa dealer (2) Magkaroon ng Lucky 9 na baraha (3) Posibleng matalo mo ito sa pamamagitan ng Lucky 8 (4) Mayroon kang hawak na mataas na hand card ranking.
  9. Kapag ang dealer ay mayroon ng Lucky 9 sa unang dalawang baraha, hindi na maaaring humirit ang ang mga manlalaro. Kung ano ang puntos ng dalawang baraha na mayroon ka ay yun na ang idedeklara mo sa dealer.
  10. Magiging draw lamang ang laban kapag pareho kayo ng puntos or hand card ng dealer.
  11.  Tandaan na hindi parehas ang winning chips na makukuha mo sa taya mo.
  12.  Ang laro ay magpapatuloy lamang sa ganitong paraan. Kaya siguraduhin na tama ang bawat desisyon na iyong gagawin.

Mga ilang diskarte sa paglalaro ng Lucky 89 

Some strategies when playing lucky 89 that you need to know when playing
Some strategies when playing lucky 89 that you need to know when playing

Ang Lucky 89 ay isang card game na batay sa swerte at pagkakataon. Ang tanging paraan na mayroon ka para manalo sa larong ito ay sa pamamagitan ng pagtaya o pagpili ng iyong susunod na taya batay sa mga nakaraang resulta. Naglalaro ka man online o nang personal, maaaring makatulong ang mga diskarte na ito sa iyong paglalakbay sa paglalaro ng lucky 89. Nawa’y magsilbing kaalaman ang mga ito.

  1. Pag-isipan mabuti kung dapat bang humirit o hindi. Mas maganda na maging play safe o wag ng humirit kapag mayroon kang 5 puntos pataas. Maaaring mataas ang pangatlong baraha na makuha mo at mas lalo pang mabokya o bumaba ang iyong puntos.
  2. Isa ito sa diskarte ng ilang manlalaro, doblehin o dagdagan lamang ang taya pag natatalo ka. Halimbawa tumaya ka ng 500 at pitong sunod-sunod na panalo bago ka natalo. Sa susunod na taya mo ay wag mong babaan ang taya mo sa 500, dagdagan o doblehin mo ito para makabig ang talo mo. Ganoon din sa mga susunod pa. Magtataas ka lang ng taya pag natatalo ka.
  3. Panghuli, ang diskarte na ito ay risky. Kung sa tingin mo alanganin na ang iyong dalawang baraha pero may tyansa itong makabuo ng hand card, humirit ka.

Pinagkaiba ng Lucky 89 at Lucky 9

Lucky9 and lucky 89 are different
Lucky9 and lucky 89 are different

Winning numbers

Sa lucky 89, 8 at 9 ang winning numbers habang 9 naman sa Lucky 9.

Dealer

Sa Lucky 89 hiwalay ang dealer sa mga manlalaro habang sa Lucky 9 naman ay isa sa inyong manlalaro ang magiging dealer. Ibig sabihin kung ikaw ang dealer, ikaw ang magbibigay ng mga panalo ng mga manlalaro. May advantage at disadvantage rin ang pagiging dealer. Maaaring manalo ka sa lahat o matalo ka ng lahat ng manlalaro.

Chances of winning

Parehas mabilis laruin ang dalawang to kaya naman mataas ang chances of winning at mag-uwi ng limpak-limpak na salapi. Ngunit mas maraming paraan manalo sa Lucky 89 kumpara sa Lucky 9. Bukod sa dalawa ang winning numbers sa Lucky 89 (8 at 9) mayroon rin itong twist na hand card rankings. Mas may challenge din laruin ang Lucky 89 kaysa sa Lucky 9.

Konklusyon

Kung naghahanap ka ng fast-paced, challenging, at nakakaaliw na game ay hinihikayat ka namin na subukan ang larong ito. Maaari kang kumita habang nagpapalipas oras sa paglalaro lamang nito. Madali lang din ang mekaniks at patakaran ng laro, hindi kinakailangan beteranong manlalaro ka. Ang kailangan lang ay swerte at diskarte! Kaya tara na at maglaro ng Lucky 89!

Categories